CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng 76 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Isabela ngayong araw.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 34 sa naturang bilang ang mula sa Santiago City, 18 sa Ilagan City, 9 sa Cabatuan, 8 sa Naguillian, 3 sa Cauayan City, at tig-iisa sa mga bayan ng San Mateo, Gamu, Echague at Cabagan.
Dahil sa panibagong kaso ay umakyat na sa 500 ang aktibong kaso sa Isabela.
Labing-tatlo ang returning overseas filipinos , 12 ang non-authorized persons outside residence , 58 ang Health Worker, isa ang pulis at 416 ang mula sa local transmission.
Nadagdagan naman ang mga gumaling ng 25 mula sa nakakahawang sakit.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa kanilang tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.