DAVAO CITY – Patay ang 74-anyos na lola matapos masunog ang kanyang bahay sa Purok 9, Barangay Poblacion lungsod ng Sulop, Davao del Sur.

Una ng nakilala ang biktima na si Myrna Langgabon, 74, residente sa nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng otoridad, mahimbing na nakatulog ang biktima at hindi nito namalayan na mabilis ang pagkalat ng apoy.

Sinasabing nagmula ang sunog sa lutuan ng kanyang bahay dahil sa naiwang panggatong na may apoy.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ng biktima.