Nasa mahigit 70,000 trabaho ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE0 mula sa iba’t ibang sektor sa idaraos n job fair kasabay ng selebrasyon ng Labor day sa Mayo 1.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na maaaring mag-apply ng trabaho sa 42 sites sa buong bansa na magsisimula na sa araw ng linggo, Abril 30 sa Convention Center sa pinakamalaking mall sa lungsod ng Pasay.
Ang mga alok na trabaho na maaaring aplayan ay ang service representatives mula sa Business Process Outsourcing (BPO), production workers at service crew sa manufacturing, financial consultant gayundin sa sales at marketing.
Naglaan naman ang gobyerno ng P1.8 billion halaga ng tulong pinansiyal para sa mga empleyado kasabay ng kick off ng selebrasyon ng Labor day sa Convention center sa nasabing mall sa Pasay.
Nasa P100 million ang inilaan din para a community-based package assistance na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) sa Metro Manila habang nasa P48 million naman para sa livelihood assistance.
Ang tema ng Labor day ngayong taon na “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa mga Manggagawang Pilipino,” ay nakasentro sa pagbibigay ng konkretong mga hakbang sa mga hamon na kinakaharap ng mga empleyado.
Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 2,47 million Pilipino ang walang tabaho noong Pebrero.