-- Advertisements --
Nagagamit na ng PNP-Region 4A ang 72 sa 288 body cameras na kanilang binili.
Ayon kay PNP-Police Rgional Office 4A director Brigadier General Eliseo Cruz, nagagamit ang mga ito sa pagpapatupad ng batas sa kanilang rehiyon.
Ang mga kuha nito ay mapapanood sa command center sa Camp Vicente Lim sa Laguna.
Mahalaga aniya ang nasabing mga camera bilang tulong sa kanilang pagpapatrolya at mapabilis ang pag-responde sa anumang krimen.
Dagdag pa ni Cruz na posible bago ang halalan sa 2022 ay magagamit ang lahat ng 288 body cameras.