-- Advertisements --

Libo-libong katao ang inaasahan na makikiisa sa malawakang kilos-protesta na gaganapin sa Hong Kong bukas ng gabi.

Kasabay ito ng ika-70 anibersaryo nang pagtatag sa People’s Republic of China.

Binigyan ng permiso ng gobyerno ang mga anti-democracy protester na mag-rally sa tabi ng opisina ng Hong Kong’s Legislative Council.

Ngayong linggo rin ang selebrasyon ng nasabing financial hub ng ika-limang taong anibersaryo nang simulan ang makasaysayang “Umbrella” protests noong 2014.

Inaasahan din ang protesta sa Linggo kasabay nang Global Anti-Totalitarianism Day kung saan naka-plano ang sabay sabay na solidarity events na gaganapin sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Paris, Berlin, Taipei, New York, Kiev at London.