-- Advertisements --
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa isang residential area sa Muntinlupa ngayong Linggo ng umaga.
Tumupok ang sunog sa halos 200 bahay sa Barangay Alabang at higit 700 pamilya naman ang apektado.
Sumiklab ang sunog bandang mag-a-alas-5 ng madaling araw at naapula ito matapos ang limang oras, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Ani kay Fire Supt. Rowena Gollod, city fire marshall ng Muntinlupa City, gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay at tinatayang aabot sa P750,000 ang pinsala ng sunog.