BAGUIO CITY – Tampok sa pagtatapos ng kauna-unahang La Trinidad Highland Vegetable Industry Week ang 700 kilos na fresh salad na gawa sa ibat-ibang highland vegetables.
Ayon kay Agot Balanoy, representative ng liga ng mga asosasyon sa La Trinidad Vegetable Trading Post, libreng ibinahagi sa mga participants ang nasabing highland vegetable salad toss.
Layunin ng La Trinidad Highland Vegetable Industry Week na pag-isahin ang lahat ng mga stakeholders at ipagdiwang ang kontribusyon ng industriya sa socio-economic development ng bayan.
Dinagdag ni Balanoy na sa pamamagitan nito ay mapalakas pa ang estado ng La Trinidad bilang highland vegetable trading capital ng Cordillera Region.
Tampok din sa 3-day event ang inilunsad na natatanging organic vegetable honesty stand habang mas maging exciting ang farmers’ forum dahil sa mga nai-display na edible urban mini garden showcase ng mga highland vegetables.
Nasubok din ang galing ng mga participants sa mga agri-skills competitions gaya ng vegetable carving, vegetable salad-making, vegetable pizza-making, vegetable “pinaka” contest.