Positibo ang mga eksperto mula sa OCTA Research Team na 70% ng populasyon sa Kalakhang Maynila ang mababakunahan laban sa coronavirus disease ngayong taon.
Ayon kay Professor Guido David, kung pagbabasehan daw kasi ang kabuuang populasyon sa tatlong areas sa Metro Manila ay halos kalahati na ito ng populasyon sa Pilipinas.
Nakikita rin aniya nitong advantage ang mga makabagong health facilities sa bansa at ang well-structured na local government system.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% ng populasyon sa bansa upang maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.
Subalit sinabi ni David na hindi ito kayang gawin sa loob lamang ng isang taon dahil marami pa raw dapat ikonsidera. Tulad ng taransportation, storage, distribution at pag-track sa mga mababakunahan.
Hindi lang aniya sapat na supply ang magiging solusyon para sa herd immunity ngunit nakadepende rin umano ito sa logistics ng local government units (LGUs).
Nilinaw naman nito na posibleng magkaroon din ng pagbabago sa inoculation program ng gobyerno sa oras na maayos na nila ito.