-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Bumulusok sa malalim na bangin ang isang elf truck sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang mga biktima ay pawang mga residente ng Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nanggaling sa paliligo ang mga biktima sa Margues hot and cold spring resort at papauwi na ng Cotabato City.

Ngunit pagsapit ng sasakyan sa matarik na bahagi ng kalsada sa Barangay Margues, Esperanza, Sultan Kudarat ay bigla itong nawalan ng preno.

Hindi umano na nakontrol ng driver ang manibela at tuloy-tuloy na nahulog sa malalim na bangin.

Ang mga biktima ay agad tinutulungan ng mga residente sa lugar at dinala sa pagamutan.

Paalala ng LGU-Esperanza sa mga driver na mag-ingat sa pagmamaneho at siguraduhing kondisyon ang kanilang sasakyan.