-- Advertisements --
Pitong katao ang sugatan at dalawa ang nasa malubhang kalagayan matapos ang pamamaril sa isang bus sa Jerusalem.
Tinawag naman ng Israel emergency medical services, ang Magen David Adom (MDA) ang naturang insidente na “terror attack in the Old City.”
Kasunod nito, hinigpitan na raw ang seguridad sa paligid ng lugar kung saan naganap ang insidente partikular sa Western Wall ng Jerusalem na itinuturing na holiest prayer site.
Sa ngayon, tinutugis na ng mga otoridad doon ang mga suspek na agad tumakas matapos ang pre-dawn attack.