LA UNION – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-illegal Gambling Law ang pitong smalltime gamblers na nahuli sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng La Union.
Nabatid ng Bombo Radyo na tatlo ang dinakip ng mga kawani ng Tubao Police Station habang naglalaro ng tong-its sa Barangay Lloren sa bayan ng Tubao.
Nakumpiska ng pulisya ang ginagamit na baraha at P210 na perang panaya sa nasabing sugal.
Samantala, maliban sa baraha ay nakumpiska naman ng mga tauhan ng Pugo Police Station ang P340 na perang panaya ng apat na naglalaro ng puso ‘y dos sa Barangay Cares sa bayan ng Pugo.
Ang lahat ng mga nahuling nagsusugal ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya habang hinihintay ang kahihinatnan ng mga reklamong naihain laban sa mga ito.
Kung maaalala, nagbabala ang pamunuan ng Philippine Natioal Police na mas lalo pa nilang papaigtingin ang kampanya laban sa iligal na sugal sa bansa.










