-- Advertisements --

Sinibak sa kanilang puwesto ang pitong pulis matapos na akusahan ang mga ito ng paghingi ng “kickbacks”.

Nagmula ang akusasyon sa paghingi umano ng mga pulis sa providers ng temporaryo lodging para sa mga pulis na sumasailalim ng field training sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sinabi ni Philippine National Police Training Service director Brig. Gen. Rolindo Suguilon na ang mga nadawit na pulis ay isang colonel, major, lieutenant, master sergeant at tatlong patrolmen.

Ang mga hindi na pinangalanan na mga kapulisan ay nakatalaga sa Regional Special Training Unit (RSTU) sa CAR.

Nagbunsod ang reklamo sa sumbong sa kanila na agad naman nila itong binigyan ng pansin.

Natitiyak niya na hindi kinokonsinti ng mga kapulisan ang anumang maling gawain ng mga kapulisan.