-- Advertisements --
Patay ang pitong katao matapos ang pagkakasunog sa isang law firm sa Daegu, South Korea.
Umabot rin sa 46 na iba pa ang sugatan sa sunog.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na sinadya umano ang nasabing insidente.
Nasawi rin ang sinasabing suspek na isang lalaki na nasa edad 50.
Naapula rin ang sunog ng rumespondeng 150 na mga bumbero.