-- Advertisements --

Nasa pitong katao ang patay dahil sa pagbagsak ng tulay sa Tianjin, China.

Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng pag-sasaayos ang Tianjin South Ring Railway Maintenance Co sa k4+300 meter section ng Linganng railway.

Bukod pa sa mga nasawi ay umabot sa limang katao rin ang nasugatan.

Nagsama-sama ang nasa 192 na mga bumbero at 10 search and rescue dogs para maligtas ang mga biktima ng pagguho ng tuloy.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng nasabing tulay.