-- Advertisements --
Patay ang pitong katao at 75 ang sugatan ng tamaan ng tanke ang UN facility sheltering civilians sa Khan Younis sa southern Gaza.
Ayon sa United Nations Palestinian refugee agency na tumama ang dalawang bala ng tanke sa Khan Younis Training Center habang nagaganap ang labanan sa nasabing lugar.
Itinanggi ng Israel na sila ang may kagagawan at ang itinuro nila ay mula sa Hamas.
Magugunitang umabot na sa mahigit 25,000 katao na ang nasawi dahil sa patuloy na labanan sa Gaza.










