-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos ang naganap na landslide sa India.

Mayroong 19 na katao rin ang nahila ng mga rescuers na natabunan ng putik sa Noney district sa Manipur state.

Nagbunsod ang landslide dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan kung saan bahagyang natabunan ang ginagawang riles sa nasabing lugar.

Nagpaabot naman ng pagdarasal si Prime Minister Narendra Modi sa mga biktima.