CEBU CITY – Halos 10 katao ang nasugatan na nakasakay sa isang van matapos itong nahulog sa bangin sa Sitio Kan-irag, Barangay Sirao sa Lungsod ng Cebu.
Sakay ng Toyota Fortuner ang driver na si Vergie Marie Tecson at mga pasahero na sina Cora Marie Alidon, Julio Salvatera, Ellana Valdez, Julius Ceasar Salvatera, Jeff Russel Alidon, at apat na taong gulang na bata.
Batay sa imbestigasyon mula sa Talamban Police Station, magbabakasyon sana ang mga magkakamag-anak kahapon sa isang tourist spot sa nasabing barangay at may dala umano silang mga gamit.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Ernesto Velvestre Jr., iniwasan ng driver ang paparating na sasakyan kaya kumambyo umano ito sa kabila pero tuluyan itong nahulog sa bangin.
Laking gulat daw ng isa sa mga rumesponde na si Elnan Ingles nang makarinig ito ng malakas na kalabog mula sa malayo at doon napag-alaman ang insidente.
Kuwento ni Ingles, nagtamo ang mga pasahero ng mga pasa sa katawan kaya dali-dali nila itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Naka-confine pa ang mga sugatang pasahero sa pagamutan kahit matagumpay na na-rescue ng mga responders.