LEGAZPI CITY – Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nag-iwan sa isang sanggol na natagpuang palutang-lutang sa pantalan sa Sto. Domingo, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Sto. Domingo Municipal police chief police Capt. Genevieve Oserin, na nakita na lamang ang 7-month old na sanggol sa loob ng eco-bag.

Inakala pa raw ng mga residente na fetus ng baboy ang bata.

Naniniwala ang mga nakakita na premature baby ang sanggol dahil may mga dugo pa raw ito nang matagpuan.

Ayon kay Oserin, posibleng managot sa batas ang ina ng bata kapag kanilang natagpuan.

Sa ngayon nailibing na sa Sto. Domingo Cemetery ang naturang sanggol.