-- Advertisements --

danaovic2

Nagsagawa ng ocular inspection kanina sa National Museum si PNP OIC Chief,PLt.Gen. Vicente Danao upang personal alamin ang latag ng seguridad sa mismong venue ng inauguration ni President-elect Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr.

Sa panayam kay PNP OIC Chief, kaniyang sinabi na nasa 7,000 na mga pulis ang kanilang idi-deploy sa mismong venue upang matiyak ang seguridad ni Pres-elect Marcos at ng mga guests na dadalo sa aktibidad.

Personal na tinignan ni Danao ang latag ng mga upuan kung saan kanilang iminungkahi na sa harapan ilagay ang upuan para sa mga VIP guests at ang nasa likuran ay ang military component para mas magiging secured ang mga bisita.

Tinatayang nasa 1,200 VIPs ang inaasahang dadalo sa inauguration.

Mahigpit ang seguridad na ipatutupad ng PNP lalo na ang papasok sa loob ng National Museum dahil ilang layers ng sevcurity ang kanilang dadaanin bago makapasok sa loob ng venue.

Sinabi ni Danao na sa ngayon all-systems go na ang PNP dahil nakalatag na ang lahat.

Sa ngayon mayruon na lamang konting pina finalized ang mga otoridad lalo na ang mga ilalagay na barriers at ang mga shade na ilalagay ng DPWH.

Sa ngayon wala ng pagbabago na ipinatupad ang PNP sa kanilang inilatag na security set up.

Ayon kay Danao pinaigting pa nila ang kanilang security measures sa ground.

Kinumpirma din ni PNP OIC Chief na may natatanggap silang impormasyon na magkakaroon ng lightning rallies at mga kilos protesta sa ibat ibang lugar.

Siniguro ni Danao na nakahanda ang PNP lalo na sa mga magsasagawa ng kilos protesta.

Gayunpaman hiling ni Danao sa mga ito rallyista na irespeto ang nakatakdang inagurasyon ng Pangulo.

Giit ng heneral na pinapayagan naman nila na mag kilos protesta pero huwag lamang malapit sa venue.

Pina-alalahanan din ni Danao na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng bags at anumang mga colored materials, papayagan lamang nila kung ito ay transparent materials.