-- Advertisements --

Aabot na sa pitong iligal na e-sabong websites ang naipasara na ng gobyerno.

Sinabi ni Deparmtent of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malay na iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group kung sino ang mga operator o moderator ng nasabing iligal na e-sabong websites.

Patuloy din ang pagtukoy nila kung may ilan pang mga iligal na e-sabong websites na nag-ooperate sa bansa.

Magugunitang mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil na e-sabong dahil sa masamang epekto nito.