-- Advertisements --
B8E084E9 A5E1 445F 900C 639608330172 1024x732 1

Arestado ang pitong empleyado ng isang travel documentation agency matapos tangayin ang nasa P43 milyon na ibinayad ng mga aplikanteng nais magtrabaho abroad.

Mahigit 150 ang nagreklamo na nagbayad umano sila ng halos P43 milyon, sa pag-asang makakapagtrabaho sa Poland, Canada, New Zealand at Australia.

Ngunit napag-alaman na peke ang visa at kontrata na ipinakita sa kanila ng agency.

Kaya naman mismong ang mga nagrereklamo raw ang dumakip sa limang babae at dalawang lalaking empleyado ng inirereklamo nilang travel agency at nagtungo sa Project 6 Police Station ng Quezon City Police District.

Umaapela naman ang dalawang suspek at iginiit na nadamay lamang sila.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang kapulisan sa Business Permit and Licensing Department ng Quezon City Hall at patuloy na tinutugis ang dalawa pang suspek.

Mahaharap naman sa kasong illegal recruitment at syndicated estafa ang mga suspek.