-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng seven-day special emergency leave ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na direktang apektado ng mga kalamidad.

Sa kanyang paghahain ng House Bill No. 8847 o ang “Lingkod Calamity Leave Act,” sinabi ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na hangad ng naturang panuakalang batas na bigyan ng sapat na assistance ang mga manggagawa, lalo na at matinding alalahanin ang epekto ng kalamidad para sa mga biktima.

Sa kanyang panukala, ang mga qualified employees ay entitled sa pitong-araw na special emergency leave kada taon.

“Every employee who has rendered at least six months of services shall be entitled to seven-day special emergency leave each year, with pay, in times of natural calamities or disasters, based on any of the grounds specified in Section 6 of this Act,” bahagi ng panukala.

Magiging available ang seven-day leave para sa mga manggagawa sa oras na magkaroon ng deklarasyon ng state of calamity.

Sakaling hindi naman naideklara ang state of calamity pero ang lugar ay apektado ng kalamidad, ang head ng mga empleyado ay maaring magbigay ng special emergency leave sa mga apektadong empleyado base sa proof o ebidensya na kanilang maipakita o base sa mga news account.

This leave ay maaring i-avail ng mga empleyado sa loob ng 10 araw mula sa petsa kung kailan nangyari ang kalamidad.