-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko mula sa pangingisda mula sa 7 coastal waters na positibo sa red tide.

Kabilang dito ang coastal waters sa Bolinao sa probisniya ng Pangasinan, Milagros sa Masbate, Dauis sa Bohol, Tagbilaran sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay sa Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon kay BFAR chief information officer Nazzer Briguera, ang pagkain ng shellfish na galing sa naturang mga lugar ay nakakalason.

Lahat ng uri ng shellfish na ipinagbabawal munang kainin mula sa mga lugar na nabanggit na positibo sa red tide ay ang tahong, talaba at alamang.

Subalit ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin basta’t ang mga ito ay sariwa at nalinisang mabuti bago lutuin.

Babala ng BFAR official na ang pagkain sa naturang mga shellfish na apektado ng red tide ay makakaramdam ng gaya ng pagkamanhid ng mukha at pananakit ng ulo. Top