-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Umaabot na sa 7 barangay ang nalubog sa baha sa bayan ng Calasiao dahil sa pag apaw ng Marusay River.

Ayon kay Kristine Joy Soriano, LDRRMO1 ng Calasiao MDRRMC, nasa 9.5 feet above normal level ang marusay River kung saan lagpas na sa critical level ang tubig sa ilog.

Sa kabuoang 24 barangay, ang pitung barangay na naapektuhan ng pag apaw ng ilog ay ang barangay Talibaew, Longos, Nalsian, Lumbang, Mangcup, Lasip at Banaoang.

Mabilis umano ang pagtaas ng level ng tubig sa ilog sanhi ng pagbaba ng tubig mula sa upstream o kabundukan.

Una rito, ipinaliwanag ni Soriano na inaasahan na umano ang pagbaha sa mga nabanggit na lugar dahil identified low lying barangay ang mga ito at malapit sa river banks.

Tiniyak naman nito na tuloy tuloy ang ginagawa nilang monitoring upang makita ang situwasyon sa iba’t ibang barangay.