-- Advertisements --

Arestado ang pitong armadong suspek dahil sa paglusob sa isang pagamutan sa Ecuador.

Pawang mga miyembro ng gang ang mga suspek na ginawa pang hostage ang mga nurses at nakipagpalitan pa ng putok sa mga kapulisan.

Target kasi ng mga suspek na mapatay ang isang 17-anyos na binatily na kinilalang si “Dirty Face” na hinihinalang miyembro ng kalabang gang.

Dinala kasi sa nasabing pagamutan ang biktima dahil sa pagpapagaling mula sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.

Nakaligtas naman ang mga empleyado ng pagamutan at walang nasugatan sa kanila.

Pinasalamatan naman ni Ecuador President Guillermo Lasso ang mga kapulisan dahil sa kanilang mabilis na pagresponde.