-- Advertisements --
quake japan

Naglabas ngayon ang Japan ng tsunami alert matapos na tumama ang 7.2 magnitude earthquake.

Ayon sa initial na pagtala ng USGS natukoy ang sentro ng lindol sa northeastern Japan dakong alas-6:09 ng hapon o pasado alas singko naman ng hapon, oras sa Pilipinas.

Ang sentro ng lindol ay natukoy na may lalim na 60 kilometers sa coastline ng Miyagi.

Agad namang naglabas ng tsunami advisory ang mga otoridad sa bahagi ng Miyagi Prefecture.

Patuloy pa namang kumakalap ng impormasyon ngayon ang mga otoridad kung meron bang napinsala sa naturang malakas na lindol.

Nagpaabot naman nang pakikisimpatiya si DFA Secretary Teodoro Locsin sa mamamayan at gobyerno ng Japan.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang DFA sa area kung saan may 1,500 mga Pinoy na nagtatrabaho doon.

Samantala ang Phivolcs naman ay nilinaw na wala namang tsunami threat sa Pilipinas.