Epektibo ngayong araw, relieved na sa pwesto ang nasa 69 police personnel ng Talisay PNP sa Cebu City kasunod ng pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.

Ayon kay PRO-7 regional police director Csupt. Debold Sinas, walo sa 69 police personnel na ni relieved sa pwesto ang iniimbestigahan dahil ang mga ito ang tinukoy na binabawasan ang mga nakumpiska nilang iligal na droga sa mga ikinasang buy bust operations.

Hindi naman kasama sa relived order ang hepe ng Talisay PNP.

Kabilang sa mga sinibak sa pwesto ay isang police inspector.

Ang mga sinibak na police personnel ay ililipat muna sa Regional Mobile Force Battalion para isailalim sa apat na buwan na retraining partikular sa basic internal security course.

Sinabi ni Sinas pagkatapos ng retraining ay isasailalim pa ang mga ito sa assesment para matukoy kung maaari pa itong manatili sa serbisyo.

Ang pagsibak sa pwesto sa mga nasabing pulis ay may kaugnayan sa naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na may mga pulis sa Talisay PNP ang sangkot sa illegal drug trade.

Nasa 70 miyembro mula sa Regional Mobile Force Battalion muna ang papalit sa mga sinibak na pulis.

Ayon naman kay PRO-7 Spokesperson Supt. Reymar Tolentin na ang pagkakasibak sa 69 police ay magsisilbi na ring babala sa iba pang pulis na sangkot sa iligal na droga.