Nasa kabuuang $66.5 million ang inilaan ng Amerika na pondo para sa aprubadong mga proyekto sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) katuwang ang Department of National defense (DND)
Ayon sa DND, sisimulan ang kontruksiyon ng naturang mga proyekto sa ilalim ng EDCA sa pinagkasunduang sites sa susunod na taon.
Kabilang sa mga proyektong ito ang pagtatayo ng training, warehouse at ib apang pasilidad sa may Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija, at Lumbia Airport Base Station sa Cagayan de Oro.
Nagpapatuloy pa rin ang diskusyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika sa pagpapatupad ng Mutual Defense treaty para matugunan ang contemporary security challenges.
Umaasa din ang DND na makukumpleto ang mga nakabinbing proyekto sa ilalim ng EDCa.
Una ng nilagdan ang EDCA noong 2014 na naggagarantiya sa military troops ng US para magkaroon ng acccess sa designated Philippine military facilities , magkaroon ng karapatan na magtayo ng mga pasilidad at mag-preposition ng mga equipemnt, aircraft at vessels subalit hindi kabilang dito ang pagkakaroon ng permanenteng military base sa Pilipinas.