Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 6,560 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Mas mataas aniya ito sa mga nakalipas na araw.
Dahil dito ang kabuuang kaso sa bansa ay nasa 1,524,449.
meron namang 47,996 ang mga aktibong kaso.
Sa kabila nito merong apat na laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos.
Samantala mayroon namang naitalang 5,364 na mga gumaling.
Sa kabuuan ang mga nakarekober na sa bansa ay nasa 1,449,579.
Kaugnay nito ang mga bagong mga nasawi sa Pilipinas ay nasa 32.
Ang death toll sa Pilipinas ay nasa 26,874 na.
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,996) ang aktibong kaso, 95.1% (1,449,579) na ang gumaling, at 1.76% (26,874) ang namatay,” bahagi ng DOH advisory. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 19, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”