Sumampa na sa 65 katao ang nasawi sa tumamang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Hunyo 8, isang linggo ang nakalilipas.
Sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hunyo 9 tumaas pa ang bilang ng mga apektadong pamilya sa 176,186 o katumbas ng 736,386 indibidwal, mula sa unang napaulat na mahigit 173,000 pamilya.
Sa naturang bilang, mahigit 3,000 pamilya pa rin ang nananatili sa evacuation centers habang ang mahigit 59,000 indibidwal naman ay nanunuluyan pansamantala sa labas ng evacuation sites.
Iniulat din ng ahensiya na umaabot na sa 1,447 indibidwal ang nagtamo ng injuries mula sa sakuna at may 36 na indibidwal ang napaulat na nawawala, bagamat subject pa ang naturang bilang para sa validation.
Samantala, mayroon pa ring 39 na siyudad at bayan ang patuloy na nakararanas ng power interruptions habang wala pa ring suplay ng tubig ang 16 na lokalidad.
Bunsod ng mapaminsalang epekto ng lindol, inilagay na sa state of calamity ang 14 na siyudad at munisipalidad sa bansa.
Patuloy naman ang mga relief at response operations ng pamahalaan at nakapaghatid na ng P137 million na halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya.















