-- Advertisements --

Panibagong mahigit sa 24,000 na mga kaso ng coronavirus ang naitala ngayon sa bansang Brazil para lalong lomobo ang bilang ng mga nagkasakit sa halos 1.9 million na.

Ang Brazil ang itinuturing ngayon na world’s second highest number of cases, kasunod ng Amerika na nasa mahigit 3.4 million na ang mga kaso.

Liban dito kinumpirma rin ng Brazil health ministry na umaabot sa 631 ang panibagong mga namatay sa loob lamang ng isang araw.

Ang death toll ngayon sa Brazil ay nasa 72,100.

Samantala ang kontrobersiyal na si Brazilian President Jair Bolsonaro ay nananatili pa rin sa semi-isolation matapos na aminin na nagpositibo rin siya sa deadly virus.