-- Advertisements --
image 130

Anim na libong mga junior at senior college students mula sa ibat ibang State Universities sa National Capital Region, ang babayaran para magturo sa mga mag-aaral sa elementarya.

Ang mga napiling estudyante ay natukoy bilang mga mahihirap na estudyante o financially-challenged, sa ilalim ng ‘Tara-basa’ program ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Asec Rommel Lopez, magsisimula ang nasabing program sa Agosto-14 at magtatagal hanggang Nobiembre.

Ang 6,000 students aniya ay una nang sumailalim sa ilang serye ng training para magtutor sa humigit-kumulang 63,000 na grade 1 pupils mula sa 490 schools sa buong Metro Manila.

Ang mga nasabing mag-aaral ay natukoy na hirap makapagbasa.

Bawat tutor ay magkakaroon ng dalawampung mag-aaral na tuturuan na magtatagal ng 20 araw.

Makakatanggap naman ang mga nasabing tutor ng sahod mula sa kagawaran, habang ang mga mag-aaral ay bibigyan din ng P235.00 na allowance