-- Advertisements --

Patay ang 60 katao matapos ang pagbagsak ng isang tulay sa Gujarat, India.

Mayroong 150 katao rin ang nailigtas matapos na abutang nakalambitin sa nasabing tulay.
Aaobt rin sa 30 katao ang naitakbo sa pagamutan matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nila.

Sinabi ni State Home Minister Harsh Sanghavi na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga bilang ng nasawi dahil sa insidente.

Ang nasabing tulay aniya ay naitayo mula pa noong 19th century na ito ay isinara ng anim na buwan at binuksan lamang noong nakaraang linggo.

Patuloy na inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente sa nasabing lugar.