-- Advertisements --

Nasa 60 na bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Germany.

Ayon kay Health Minister Jens Spahn ng bansa, na marami na rin sa mga nadapuan ay gumaling na rin.

Patuloy din aniya nilang binabantayan ang kalagayan ng mga nadapuan ng virus.

Sinabi naman ni Government spokesman Steffen Seilbert na hindi pa nila dama ang epekto ng coronavirus sa kanilang ekonomiya.