-- Advertisements --
Nasa mahigit 60,000 na trabaho ang bukas na maaaring aplayan sa gaganapin online job fair ng Civil Service Commission.
Gaganapin ang nasabing online job fair mula Setyembre 14 hanggang 18.
Katuwang CSC ang iba’-ibang mga kumpanya sa bansa.
Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada, na kahit nasa bahay ang isang aplikante ay puwede itong makapag-aplay ng trabaho.
Magugunitang inilabas ng Philippine Statistics Authority nitong Hunyo na may mahigit 7 milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.