-- Advertisements --
Dapat nakahanda ang Metro Manila na itaas sa 60,000 kada araw ang kapasidad sa COVID-19 testing sa oras na magkaroon ng biglaang pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases, ayon kay OCTA Research group member Dr. David Guido.
Sa ngayon, sinabi ni David na bumababa na ang mga naitatalang bagong kaso sa mahigit 3,000 kada araw o 18% sa Metro Manila, kung saan ang positivity rate naman ay pumapalo sa 17%.
Pero iginiit ni David na dapat doblehin din ang testing capacity sa Metro Manila sa oras na tumaas sa average 6,000 cases kada araw sa metropolis.
Gayunman, inaasahan na ni David na bababa ang positivity rate sa 15% sa susunod na dalawang linggo sakali mang mapanatili ang kasalukuyang trend.