-- Advertisements --
TEVES RAID PNP CIDG

Sumailalim na inquest proceedings sa harap ng mga State Prosecutors ng Department of Justice ang anim na tauhan ni Congressman Arnolfo Teves na naaresto ng mga otoridad noong March 10, 2023.

Ito ay matapos ang ikinasang simultaneous implementation ng Search Warrants sa mga properties ng kongresista sa Basay at Bayawan City sa Negros Oriental na nagresulta sa pagkakaaresto sa sekretarya ni Teves na si Hannah Mae Sumerano, at ang lima pang mga tauhan ni Teves na kapwa naaresto ng mga PNP-CIDG, Special Action Force, at ng Philippine Army sa naturang operasyon.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group acting director PBGEN Romeo Caramat Jr., isinampa ang reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa Republic Act 9516 o ang Law of Explosives laban kina Jose Pablo Gimarangan, Roland Aguisanda Pabnlio.

Habang infringement naman sa Republic Act 10591 ang isinampa laban sa kaniyang sekretaryang si Hannah Mae, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan a.k.a. Jojo Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

Samantala, bagama’t wala sa lugar sina Cong. Teves, at Kurt Mathew Teves, at Axel Teves nang ikasa ng mga otoridad ang naturang operasyon ay sinabi ni PNP-CIDG na sasampahan pa rin sila ng mga criminal complaint dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516 sa lalong madaling panahon.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin sa ilalim ng kustodiya ng PNP-CIDG ang anim na tauhan ni Teves na arestado ng pulisya.