Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng anim na suspek sa likod ng naging pananambang sa Ampatuan Municipal Police.
Iniulat ito ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at sinabing nagpapatuloy rin aniya ang kanilang puspusang pagtugis sa mga ito.
Kasabay nito ay muli namang nagpaalala ang PNP chief sa publiko na palaging maging maingat at mapagmatiyag sa paligid at agad na i-report sa pulisya sakaling may mapansing kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.
Samantala, nagpahayag naman ng matinding pakikiramay si Azurin sa mga inatakeng pulis kung saan dalawa ang namatay at tatlo ang sugatan.
Magugunita na batay sa inisyal na ulat ng pulisya ay maghahatid sana ng warrants of arrest para sa kasong robbery with violence against or intimidation of persons ang mga biktimang pulis ng Ampatuan Municipal Police nang bigla na lamang silang tambangan at paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan.