-- Advertisements --

LA UNION – Patuloy na nagpapagamot sa Bungol District Hospital ang anim na indibidwal makaraang bumaliktad ang sinasakyanng truck ng mga ito sa kahabaan ng national higway sa Barangay Ar-arampang, Balaoan, La Union.

Nakilala ang mga biktima na sina Willy Nuevas, 47-anyos, may asawa, driver ng truck; Melvin Valdez, 24, binata, kapwa residente ng Sta. Maria, San Jacinto, Pangasinan; Alex Kallapag, 30, may asawa, residente ng Tugegarao City, Cagayan; Dominador Regelme, 54, biyudo; Rommel Liberato, 24, may asawa, kapwa residente ng Sto. Domingo, San Manuel Pangasinan; at Jestoni Mina, 25, residente ng San Manuel, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay S/Sgt. Reynaldo Mago ng Balaoan Police, sinabi nito na nagmula sa Pangasinan ang truck at patungo sa bayan ng Balaoan para magdeliver.

Lulan kasi ng truck ang nasa 174 kaban ng bigas.

Iniwasan umano ni Nuevas ang nakasalubong nitong sasakyan na patungo ng timog kung kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela na nagresulta ng pagkakatuma ng kanilang sinasakyan.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga bigas, gayundin ang danyos ng nasirang truck.