-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Sugatan ang anim katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela

Nagbanggaan ang van na minamaneho ni Michael Calad , 32, residente ng barangay dos, San mateo Isabela; ang SUV na minamaneho nanaman ni Ramon Rafael Luis Hilomen, 20, residente ng barangay Daramuangan Norte, San Mateo; at ang pick-up na minamaneho naman ni Alberto Matammo, 34, residente ng barangay Buntun, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station, napag-alamang kapwa binabagtas ng van at SUV ang provincial road habang nasa kasalungat na linya naman ang pick-up.

Aksidenteng nabangga ng SUV ang likurang bahagi ng van sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela si Calad at nabangga ang kasalubong na pick-up.

Dumiretso sa kanal ang sasakyang minamaneho ni Calad habang kapwa bumangga naman sa steel road barrier ang SUV at pick-up.

Dahil sa banggaan ay nagtamo ng sugat ang mga sakay ng mga sasakyan na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng San Mateo Rescue Team.