CAUAYAN CITY- Umabot sa 6 stalls sa Building 3 sa Public Market ng Ilagan City ang natupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa pamilihang Lunsod .
Kabilang sa mga nasunog ay ang stall 64 hanggang stall 69 na kinabibilangan ng mga grocery store, sari-sari store at bakery.
Dakong 2:00pm nagsimula ang sunog at matapos ang 20 minuto ay idinelara ng BFP Ilagan City na fireout
Kapansin pansin din na maraming mga maglalako ang kanya-kanyang naglabas sa kanilang mga paninda mula sa kanilang puwesto upang kahit papaano ay hindi maabot ng sunog.
Tatlong fire truck ng BFP ilagan ang nag-apula sa sunog bukod pa sa fire trucks ng Ilagan Filipino Chinese Volunteer at BFP Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni City Mayor Jose Marie Jay Diaz na lumalabas na ang nag-overheat na bentilador sa puwesto ng Gumiran Family ang pinagmulan ng sunog.
Aabot anya sa mahigit dalawang milyong piso ang halaga ng mga natupok na apoy.
Ipapasara muna ang mga nasabing stalls na kaagad aayusin sa loob ng isang linggo ng City Engineering Office bago pabalikin sa kanilang mga puwesto para makapagtindang muli.
Susuriin din ang mga wirings ng elektirsidad upang matiyak na ligtas ang mga nakapuwesto sa pamilihang lunsod
Samantala, inihayag naman ni G. Rey Cruz, Presidente ng Ilagan Public Market Association na 75% ang nasunog na mga paninda at mayroong 25% na naisalbang mga paninda.