-- Advertisements --

Nasa anim na katao ang nasawi sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.

Naganap ang insidente sa isang security checkpoint malapit sa foreign ministry office.

Sinabi ni Kabul police spokesperson Khalid Zadran na napigilan nila ng suicide bomber bago maabot ang target subalit nagawa niyang pasabugin ang sarili nito.

Kasama sa nasugtan ang tatlong Taliban security force members.

Dinala naman sa pagamutan ang nasa 12 katao na agad silang nilapatan ng paunang lunas.

Bagamat wala pang umako na grupo ay malaki ang paniniwala ng mga otoridad na grupo mula sa Islamic State militants ang mga suspek.