Nakapagtala ang Bacolod City ngayong taon ng ika-anim na nasawi dahil sa Dengue.
Isang 8-anyos na batang babae ang pumanaw mula sa Barangay Handumanan dahil sa malalang implikasyon sa mosquito-borne virus.
Ayon sa City Health Office na bumigay ang katawan ng paslit dahil sa multiple organ dysfunction syndrome secondary to severe dengue, dengue hemorrhagic shock, pulmonary hemorrhage, at isang hindi pa matukoy na sepsis. Nagsimula umanong makaramdam ng sakit ang bata noong September 28, at nakaranas ng mataas na lagnat.
Bukod sa Barangay handumanan, may dalawa ring nasawi sa Barangay Mansilingan, habang tig-isa naman sa Barangay Villamonte at Granada.
Ayon sa City Health Office ng Bacolod City, nakapagtala sila 891 dengue cases mula pa noong January 1 hanggang noong October 3.
Aabot naman sa 1.5 percent ang itinaas ng bilang ngayong taon, kung saan nakapagtala ng 878 na kaso at ikinasawi ng anim na katao.
Narito naman ang mga barangay na may mataas na dengue cases:
- Mansilingan 105
- Handumanan 77
- Estefania 73
- Alijs 58
- Granada 55
- Villamonte 54
- Taculing 54
- Singcang 53
- Tangub 44
- Banago 39
Hinihikayat naman ng City Health Office ang publiko sa Bacolod City na agad komunsulta sa doktor at mga eksperto upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon sa simula pa lamang na makaramdam ng senyales ng lagnat, pagsusuka, pananakit ng tiyan, o pagdurugo ng ilong. Iginiit din ng pamunuan ng CHO na huwag umasa sa self-medication o home treatments.














