Nasagip ng Philippine Navy at Joint Task Force Tawi-Tawi personnel kasama ang Royal Malaysian Navy ang nasa anim na tripulante at 15 mga pasahero ng na-stranded na Philippine vessel sa karagatan ng Malaysia.
Kinumpirma ito ni Brig. Gen. Romeo Racadio, Joint Task Force Tawi Tawi commander kung saan ang mga nasagip ay pasahero at mga tripulante ng M/L Rihanna sa karagatan ng Tagupi island sa Sabah.
Ang kapitan ng nasabing vessel ay humingi ng tulong sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang radio equipment matapos na makaranas ng aberya ang makina ng barko habang nilalayag ang Taganak island sa Tawi-tawi province noong Pebrero 24.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang Naval Task Group Tawi-tawi sa kanilang Malaysian counterparts at idineploy ang BRP Florencio Iñigo, isang Navy vessel para magsagawa ng search and rescue operations.
Sa kabutuhang palad, lahat ng lulan ng barko na mga pasahero ay ligtas at nalapatan ng medical attention at kalaunan ay tinurn-over sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at social welfare office sa Tawi-tawi.