DAVAO CITY – Aabot na umano sa anim na mga business process outsourcing (BPO) offices sa lungsod ang isinailalim ngayon sa lockdown dahil sa clustering ng virus.
Ayon kay Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ng COVID-19 Task Force ng siyudad, kabilang sa mga nasabing BPO ay ang kompaniya na nakapagtala ng 403 COVID-19 positive sa kanilang mga empleyado at isa pang kompaniya na may 46 empleyado.
Bagaman hindi sinabi ni Schlosser, ang mga naitalang kaso ng covid-19 sa apat pa na mga kompanya.
Habang tinawag na “unfair” ng opisyal ang pagkukumpara ng OCTA projection sa kaso sa Quezon City at lungsod ng Davao kung saan nahigitan na umano ng siyudad ang kaso na naitala sa Quezon sa mga nahawan ng virus.
Nabatid na patuloy ngayon ang pagtaas ng kaso sa lungsod na siyang dahilan na hiniling ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa IATF na muling isailalim ang siyudad sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).