Tinatayang nasa 6 na construction workers ang pinangangambahang namatay sa pagguho ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore matapos mabangga ng isang Singaporean cargo ship.
Ayon sa lokal na awtoridad sa Baltimore, inaayos ng nasabing mga construction worker ang potholes nang mangyari ang insidente at nahulog sa Patapsco River.
Nasa 3 mula sa nawawalang workers ay mula sa Guatemala ayon sa foreign ministry ng bansa.
Noong Martes, oras sa Amerika, itinigil nang paghahanap sa 6 na nawawala.
Paliwanag ni US Coast Guard Rear Admiral Shannon Gilreath sa isang press conference na sa tagal ng kanilang ginawang search efforts at sa lamig ng temperatura ng ilog, sa pagkakataong ito imposoble na aniyang mahanap pang buhay ang mga ito.
Sinabi naman ni Maryland secretary of state police Roland Butler, sisimulan na nila ang pagsasagawa ng recovery operation mula sa search and rescue operation.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagpadala ang cargo ship ng distress call na nagbunsod sa pagsasara ng tulay para mapigilan ang mga sasakyan na dumaan sa tulay bago pa man ito bumangga sa steel structure.
Una naman ng nangako si US President Joe Bden para sa muling pagtatayo ng nasirang tulay.