-- Advertisements --
Naghain ng not-guilty plea at humiling na makapagpiyansa ang anim na akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa isinagawang video conference sa pagbasa ng sakdal sa Manila City Regional Trial Court, ay inihain ng kanilang abogado ang not-guilty plea.
Ayon pa sa national prosecutors service ng Department of Justice na humiling din ang mga akusado na makapagpiyansa.
Isasagawa naman sa Oktubre 10 ang pagdinig sa kanilang petisyon kung saan ito rin ang unang araw ng pagdinig sa kaso na inaasahang dadalo ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero.
Nasa kustodiya ngayon ang mga akusado sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4-A.
Magugunitang noong nakaraang linggo ng maaresto ang anim na akusado.