-- Advertisements --
Patay ang anim na katao kabilang ang tatlong bata matapos na sila ay pagsasaksakin sa kindergarte sa south-eastern Guangdong province, China.
Naaresto naman ng mga otoridad ang 25-anyos na suspek na kinilala lamang sa pangalang “Wu” mula sa Lianjiang.
Isa sa mga biktimang nasawi ay guro habang ang dalawa ay magulang.
Sinabi ng kapulisan na isang uri ng ‘intentional assault’ ang pangyayari pero hindi pa nila ang ang motibo.