-- Advertisements --
Ipatutupad na ang 6-K na minimum monthly wage para sa mga kasambahay sa Central Luzon sa unang araw ng Abril.
Inaasahang mahigit 126-K na kasambahay sa rehiyon ang makikinabang sa taas-sahod na ito na karamihan ay nasa live-in arrangement ayon sa Department of Labor and Employment.
Ito ay alinsunod sa inilabas na wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board noong March 4 na nag-uutos na taasan ang sahod ng isang libong piso para sa mga chartered cities at first-class municipalities habang 1,500 pesos naman sa ibang munisipalidad.
Ang naturang pagtaas ay resulta ng isinagawang survey at public hearing gayundin ang pangangailangan ng mga kasambahay at kapasidad ng mga employer na magbayad.