-- Advertisements --

Hindi na nakapalag pa ng arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na katao na sangkot sa illegal recruitment.

Naaresto ang mga ito sa isang fastfood sa Malate, Maynila kung saan isinasagawa raw ang pag-recruit sa kanilang mga biktima.

Nanggaling pa sa iba’t ibang lalawigan ang nasabing mga bikitma.

Sa imbestigasyon lumalabas na nahikayat ang mga biktima sa isang post sa social media kung saan ang alok na trabaho ay maging factory worker sa Japan na tatanggap sila ng sahod ng hanggang P85,000.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspeks.